Una sa Balita

Word war kay Erap, pag-aaksaya lang ng panahon

0 428

By Juliet de Loza-Cudia

Pag-aaksaya lamang ng panahon at oras ang ‘word war’ laban kay dating pangulo at Manila mayor Joseph Estrada.

Ito ang inihayag ni Secretary to the Mayor Bernie Ang, sa kampo ni Estrada bilang tugon sa pahayag nito na tumanggi ang kanyang tanggapan na tanggapin ang mga dokumento ipinada­la ng kampo ni Estrada.

“Had the ‘gentlemen’s­ agreement’ been honored­ in the first place, there would have been no issue at all. Dealing with people who have no word of honor is an utter waste of time,” ayon kay Ang.

“That’s the problem­ with them. They consider­ a ‘gentleman’s agreement’ as nothing but flimsy. Unlike them, we have a word of ho­nor,” dagdag pa ni Ang.

Sinabi ni Ang na noong magpunta ang transition team ni Moreno sa City Hall noong Hunyo 17, matapos na unang ma-postpone ang paghaharap ni Estrada at Moreno naitakda ang pag-turn over ng mga dokumento noong Hunyo 21, gayunman iniurong ito ng kampo nila Estrada noong Hunyo 28.

Napagkaisahan na ang pulong ng magkabilang kampo ay ganap na alas-10:30 ng umaga sa VIP lounge ng Quirino Grandstand kung saan nandoon pa ang kinatawan ng DILG at ng Commission on Audit (COA) pero hindi duma­ting ang transition team ni Estrada

Alas-5:30 ng hapon nang dumating ang isang staff ni dating city administrator Erickson Alcovendaz sa kanilang lumang tanggapan at may dalang bulto ng dokumento.

Hindi umano ito tinanggap ng kanyang staff dahil hindi naman siya awtorisado bukod pa sa tapos na ang office hours.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy