Una sa Balita

Word Aids Day sa Baguio matagumpay

0 72

MATAGUMPAY na ipinagdiwang noong Lunes sa Baguio City ang Word Aids Day (WAD) na may temang “know your status”.
Ayon sa Baguio City local government unit (LGU), nagsimula ang parade bandang alas-otso nang umaga sa Session Road hanggang sa Lower Magsaysay patungong Mofamco gym.

Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng Department of Health (DOH), Baguio Aids Watch Council, Baguio City LGU at Baguio Association of Bars and Entertainment Society (BABES) at nagsagawa din ng programa tungkol sa WAD.

Sa nasabing programa, pinag-usapan din ang Information, Edu­cation and Communication campaigns ng iba’t ibang ahensya kontra sa HIV-AIDS para makaiwas at mailigtas sa naturang sakit.

Pinaliwanag ni City Health Service Office head Dr. Zoraida Cla­viom, na sa nasabing kampanya ay napataas ang lebel ng awareness ng publiko lalong-lalo na at ito ay isa sa mga sakit na naramramdaman ng mga mamamayan sa bansa.

Hinihikayat ni Cla­viom ang mga iba pang mamamayan na magpakonsulta para sa Human Immunodeficiency virus (HIV) check up dahil mayroon naman aniyang mga social hygiene clinic sa Baguio Health Services Department sa Baguio General Hospital at iba pang mga hospital na nag-aalok ng HIV testin­g service.