Una sa Balita

Woods kampeon ulit sa Masters, ika-15 majors inari

0 221

BALIK PANGIL

DALAWANG taon na ang nakakaraan, kinailangan pa ni Tiger­ Woods ng nerve block para lang makalakad kahit paika-ika sa Champions Dinner sa Augusta, Georgia.

Katatapos lang niyang sumailalim noon sa pang-apat na back surgery, parang wala nang pag-asang makakalaro pa ng golf.

Pero nitong Linggo, kinumpleto ni Woods ang comeback at muli ay Masters champion na naman.

Isinuot niya ang panlima niyang green jacket, ang 15th major. Ang pinakamalutong na fist pump, pinakawalan niya habang palayo sa 18th hole.
Kinarga ang 10-taong­ gulang na anak na lalaking si Charlie, niyakap ang ina at 11-anyos na anak na babaeng si Sam.

“For them to see what it’s like to have their dad win a major championship, I hope that’s something they will never forget,” ani Woods.
Walang makakalimot sa araw ni Woods.

“It’s hard to rea­lly feel bad about how I played because I just witnessed history,” bulalas ni Xander Schauffele, isa sa tatlong sumegunda.
Comeback ni Woods mula back surgery, at comeback sa golf course mula two-shot deficit.

Huli siyang naghari sa Masters 14 na taon na ang nakakaraan, halos 11 taon na nu’ng itaas ang huling major – 2008 US Open sa Torrey Pines nang may injury pa sa kaliwang paa.

Sa final seven holes, bumalik ang vintage Woods.

Inagaw niya ang lead sa par-5 15th nang maghulma ng two-putt birdie. Tinira niya ang knockout gamit ang 8-iron nang pagulungin ang bola 2 feet mula sa cup para sa birdie sa par-3 16th.

Pinasok niya para sa bogey at 2-under 70, at nagsimula ang selebras­yon.
“Woooooooo!!!” hiyaw ni Woods habang papunta ng scoring room na hinaharana ng crowd ng “Tiger! Tiger! Tiger!”

“I had serious doubts after what transpired a couple of years ago,” lahad ni Woods. “I could barely walk. I couldn’t sit. Couldn’t lay down. I really couldn’t do much of anything…. To have the opportunity to come back like this, it’s probably one of the biggest wins I’ve ever had for sure because of it.”

Si US President Do­nald Trump, nag-tweet: “Love people who are great under pressure. What a fantastic life comeback for a really great guy!”
Anim na players pa ang magka­kabuhol sa lead sa isang yugto sa back nine. Lima sila sa final group sa 15th fairway.

Tatlong majors na lang ang naghihiwalay kay Woods at sa record ni Jack Nicklaus na may 18. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy