Una sa Balita

Woodpusher Salvador sikat sa Laos

0 497

Kuminang sa ibang bansa si dating San Sebastian College Recoletos de Manila top player Louie Salvador matapos sikwatin ang korona sa katatapos na Laos International Open Chess Champion­ship 2018 Standard Competition sa Vansana Hotel sa Vientiane, Laos.

Kumolekta si Salvador ng eight points mula sa seven wins at two draws para ibulsa ang top prize US$ 1,200 sa nine rounds FIDE sanctioned tournament.

Sinagasaan ni Salvador, prodigy ni National Master Homer Cunanan sina Bruno Burbach ng Germany, Woman Candidate Master Goh Jie Yi ng Malaysia, Maneesorn Kankawee ng Thailand, Fide Master Sauravh Khherdekar ng India, Eric Cheah ng Malaysia, Collin Hornell ng Scotland at Fide Master (FM) Yaaqov Vaingorten ng Canada.

Sumosyo si Salvador ng puntos kina International Master Matthew Tan ng Nether­lands at FM Poompong Wiwatanadate ng Thailand sa ninth at final round.

Nang nakaraang buwan lang, nagkampeon din si Salvador sa Assumption-Big Rook Chess Festival 2018 Under 2200 division, Standard chess tournament sa Bangkok, Thailand.

Elech Dawa

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy