Una sa Balita

Wong ‘sinayaw’ ang 2nd gold

0 314

NAKA-TWO hits na si Agatha Wong sa wushu ng 2019 SEA Games, idinagdag ang pangalawang gold nang mag-reyna sa women’s taolu taijijian event Martes nang umaga sa World Trade Center.

Pati si Wong, hindi makapaniwala sa nagawa. Una niyang isinayaw ang gold sa taijiquan sa Day 1 noong Linggo

“I’m still trying to think, nanalo ba talaga ako?” bulalas niya.

Nakumbinse ng routine ni Wong ang judges na nagbigay sa kanya ng iskor na 9.65. Salya sa silver-bronze sina Thi Minh Huyen (9.63) ng Vietnam at Basma Lachkar (9.62) ng Brunei.

Nagkasya sa bronze ang trio nina Jones Llabres Inso, Johnzenth Gajo at Thornton Sayan sa taolu duilian, pumangatlo sila sa gold medalist Indonesia (9.54) at silver Brunei (9.50).

Walang nabokya sa medalya sa PHL wushu squad.

Walang nakuhang kahit anong kulay ng medalya si Gajo sa taolu daoshu/gunshu combine (individual), gayundin si Sayan sa taolo nanquan. (Vladimir Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More