Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wong sa parking lot nag-workout

0 190

WALANG pinipiling lugar si Rain or Shine rookie Adrian Wong para magpakondisyon ng katawan.

Maging sa parking lot kasi ay kita sa kanyang Instagram story na walang kapaguran sa pag-eensayo ang dating Ateneo Blue Eagle.

Nitong Hulyo ay kasama si Wong sa naispatang naglalaro sa 5-on-5 scrimmage kahit na mahigpit pa itong ipinagbabawal.

Dahil dito ay napagmulta si Wong ng P20K at agad sumailalim sa swab test kasunod ng paghingi ng tawad kay PBA Commissioner Willie Marcial. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.