Una sa Balita

Wong kumubra ng 3rd bronze sa wushu

By
0 207

JAKARTA, INDONESIA­ – Ipinagkaloob ni Agatha Chrystensen Wong ang ikatlong bronze medal ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng 2018 Asian Games kahapon sa Jakarta International Expo.

Ito ay kahit pa may iniindang tendinitis at masakit na tuhod ang wushu artist na tumapos ng third place sa pinagsamang women’s taijijian at taijiquan all-around competition.

“I was so nervous because I placed fifth in the first discipline. I had to make sure of an impressive performance in the second discipline so I can have a chance,” sabi ni Wong, unang nagkasya sa fifth spot sa iskor na 9.68 puntos sa taijiquan Linggo bago tumapos na ikatlo sa iskor na 9.68 sa taijijian event Lunes ng umaga para sa kabuuang iskor na 19.36.

Nakakuha ng gold si Wong sa 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia sa taijiquan at pilak naman sa taijijian event.

“I had no expectations. I just wanted to do my best and I think I did my best performance. So I think that’s worth it na din for my sacrifices and my fami­ly who always supports me,” sabi pa ni Wong.  

Pinanood mismo ni Indonesia President Joko Widodo, na duma­ting bago pa magsimula ang event, at personal nitong pinanood ang kanilang home bet na si Lindwell Lindwell na nagtala ng 9.75 puntos para manguna sa event at tungo na sa pagtatala ng pinakamataas na iskor sa 19.50 puntos para masungkit ang gintong medalya.