Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wong, Fajardo, Torres sa ‘Usapang Sports’

0 77

TATALAKAYIN ang wushu, basketball at powerlifting sa TabloIds Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports on Air” via Zoom, Huwebes.

Tampok sa 10am sports program sina 2019 Southeast Asian Games wushu double gold medalist Agatha Wong, Gilas Pilipinas women’s basketball standout Ella Patrice Fajardo at Powerlifting Association of the Philippines president Eddie Torres.

Ibabahagi ni Wong, 23-year-old graduate ng De La Salle-College of St. Benilde, ang kanyang naging tagumpay at fourth-place finish sa Asian Traditional Online Wushu Competition.

Sa kabilang dako, ikukwento ni 18-year-old Fil-American Fajardo ang kanyang naging debut sa Gilas Pilipinas sa ginanap na 2021 FIBA Women’s Asia Cup sa India.

Tatalakayin ni Torres ang naging kampanya ng Philippine Powerlifting Team sa Halmstad, Sweden kung saan komopo ang koponan ng apat na ginto, dalawang pilak at limang tansong medalya.

Iniimibitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at members na makiisa sa weekly public service program handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and Games at Amusements Board (GAB). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.