Una sa Balita

Wong, Doliguez kinadena ng RoS

0 334

‘DI pinakawalan ng Rain or Shine ang picks nila sa nakaraang draft, pinapirma na agad sa kontrata ang first-rounders na sina Adrian Wong at Clint Doliguez.

Tatlo ang picks ng Elasto Painters sa third round – ang No. 5, 6 at 7.
Pinaplantsa na rin ang kontratang ibibigay kay No. 7 selection Prince Rivero, pati ang kay Vince Tolentino na tinapik sa second round.

Sa limang pinagpiliang Special Draft, naiwan sa Painters si Matt Nieto pero sa Gilas muna ito.

Bumata ang roster ng RoS sa pagkuha sa rookies.

Nawala sa Painters si Ed Daquioag na itrinade sa TNT. Nabingwit din ng KaTropa mula sa free agent list ng Rain or Shine si sophomore JJay Alejandro.

Tigalawang taon ang binigay na kontrata kina Wong na dating guard ng Ateneo, at kay forward Doliguez na ga­ling San Beda. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More