Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wong binakuran korona sa wushu

0 61

NAKOPO ni wushu sensation Agatha Wong ang gintong medalya sa women’s taolu taijijian sa Wushu event ng 31st Southeast Asian Games, Linggo sa Cau Giay Gymnasium sa Vietnam.

Nadepensahan ni Wong ang kanyang titulo sa nasabing event matapos makapagtala ng iskor na 9.71 points sa kumpetisyon.

Ito ang unang gintong medalya ng Philippine wushu team sa kasalukuyang biennial meet.

Samantala, pumangalawa sa women’s taolu taijijian si Thi Minh Huyen Tran na may 9.70 score habang bronze medalist si Thi Kieu Trang Tran na pumoste ng 9.69 puntos, parehas mula sa hosts Vietnam.

Matatandaan nitong Sabado ay bumagahe si Wong ng silver medal sa women’s taijiquan makaraang makapagtala ng 9.69 points. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.