Una sa Balita

Wong, Ateneo sa De La Salle: Lintik lang ang walang ganti

0 320

NAGNGINGITNGIT si Deana Wong sa De La Salle Univeristy. Hindi siya matatahimik hanggang hindi nakakaganti sa defending champs.

Muling magkukrus ang landas ng rivals team ng Ateneo de Manila University Lady Eagles at De La Salle Lady Spikers sa second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament alas-kuwatro ngayong Sabado sa Araneta Coliseum.

Nais makaresbak ng nangungunang Lady Eagles sa three-time champs matapos silang pataubin sa una nilang pagkikita noong Pebrero 17.

Patuloy parin ang paghambalos ng Katipunan volleybelles nang magwagi ito noong Abril 7 laban sa NU Lady Bulldogs 25-14, 24-26, 25-17, 25-19.

“Our ultimate goal is to win the championship, and we’ll do whatever it takes, we’ll do whatever it takes, we’ll do everything for us to get there, for us to be able to get that,” giit ni Wong. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy