Una sa Balita

Wonderland pakitang-gilas sa PHILRACOM-RBHS race

0 241

KAHIT napahirapan ay nanaig pa rin si Wonderland sa PHILRACOM-RBHS Class 1 race na ginanap sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Humarurot agad si Wonderland para hawakan ang bandera habang dinikitan naman siya ni Lakan para pahirapan nang todo sa unahan.

Pilit na kinuha ni Lakan ang unahan at nahawakan nito ang bandera papasok ng home turn, sa rektahan ay nagtiyaga si star jockey Patricio Ramos Dilema na mabawi ang unahan.

Hinagupit ni Dilema si Wonderland upang makuha muli ang bandera sa huling 100 metro ng laban.

Tinawid ni Wonderland ang meta na may dalawang kabayong distansiya sa sumegundong Victorious Colt, tersero si Lakan habang pang-apat si Song Of Songs.

“Maganda ‘yung salida ni Wonderland, nakuha namin ang balya nang maayos kaya kahit nilulutsa kami ay nandoon pa rin ‘yung lakas niya,” ani Dilema, former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year.

Nilista ni Wonderland ang 1:34.2 tiyempo sa 1,500-meter race sapat upang ibulsa ni owner Hermie Esguerra ang karagdagang P30,000 premyo mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy