Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wonder lola: Matinik sumisid kahit edad 88

0 16

Kinagiliwan online ang “wonder lola” mula sa Ormoc City dahil sa edad niyang 88-anyos ay yakang-yaka pa rin niyang mag-dive sa dagat.

Sa video na ibinahagi sa Facebook ni Maricris Samson Angelio, apo ni Lola Remedios, makikita na tsini-cheer ng kanyang mga apo ang una, “Go Lola!”, “Go Lola!” habang pasayaw-sayaw pa at nakatayo ang matanda sa pier.

Maya-maya pa ay game na tumalon at sumisid sa dagat si Lola Remedios.

Noong bata pa raw ay swimmer na si Lola Remedios dahil nakatira ang kanyang pamilya malapit sa dagat. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.