Una sa Balita

Women’s beach volley bumanat ng bronze

0 334

NAGKASYA sa bronze medal finish ang Phili­ppine women’s beach volleyball team nitong Biyernes sa 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Subic Tennis Court.

Pinataob nina duo Sisi Rondina at Bernadeth Pons sina Singaporean Serene Ng at Ee Shan Lau, 21-17, 21-13.

Sinundan ito nina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez na angat din kina Eliza Chong at Gladys Lee, 21-18, 21-16.

Huling nakasungkit ng medalya ang bansa sa torneo sa 2005 Manila SEA Games sa pangunguna nina bronze medalist Heidi Ilustre at Diane Pascua. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy