Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Women’s baseball team nakaabang sa World Cup

0 113

OPTIMISTIKO ang Philippine Women’s Baseball team na matutuloy ang Women’s Baseball World Cup sa Nobyembre 12-21 sa Tijuana, Mexico.

Ayon kay head coach Edgar “Egay” De Los Reyes, patuloy ang pag-eensayo ng National team via online.

Isa sa tinitignan na lokasyon para sa hinahangad na facility para sa National team ay ang University of the Philippines Los Banos sa Laguna o sa The Villagers sa Clark Field, Pampanga kung saan naganap ang Men’s baseball event ng 2019 Southeast Asian Games.

“Malaki talaga ang possibility na ma-move ang World Cup this year. Hinihintay lang talaga namin kung ano ang magiging decision ng aming International Federation,” pahayag ni De Los Reyes sa TOPS Usapang Sports On Air nitong Huwebes, kasama ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusment and Gaming Corporation (Pagcor).

“Pero ganun pa man po ay tuloy-tuloy lang ang aming pagte-training kase if ever na ilipat ng venue ay ready pa rin kami,” dagdag nito kung saan tinutukoy ang posibilidad na saluhin ng bansang Taiwan o Japan ang nasabing prestihiyosong kumpetisyon.

Lumapit na rin ang kanilang pamunuan na Philippine Amateur Baseball Association (PABA) sa ahensya ng pampalakasan para matulungan ang mga itong dumulog sa Inter-Agency Task Force para payagan ang National team na nakapagsanay. (JAT)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.