Una sa Balita

Women’s baseball bronze sa Asia cup

0 233

MATAGUMPAY ang unang international competition ng Philippine women’s baseball team matapos payukuin ang host China, 11-1, para masilo ang bronze medal sa katatapos na Baseball Asia Federation Women’s Baseball Asia Cup Biyernes ng gabi sa Zhongshan.

Pinangunahan ng mga dating softball player, nakadalawang panalo ang Pilipinas laban sa China, una ang 6-2 advantage sa kanilang Super Round battle.

Humarurot agad ng tatlong run ang mga Pinay sa first inning, dinagdagan pa ng apat sa second para hawakan agad ang 7-1 bentahe at hindi na binitawan ang lamang hanggang matapos ang laban.

Sinelyuhan ng PH Team ang panalo nang kumana pa ng tigalawa sa fourth at fifth inning.

Sa group elimination, nakasilo ng malaking isda ang Pilipinas nang silatin ang World No. 10 Hong Kong at World No. 8 Korea bago yumuko sa World No. 3 na Chinese Taipei.

Galing naman ang isa pang talo ng Pinays sa World No. 1 Japan sa Super Round.

Umaasa si Philippine Amateur Baseball Association Secretary General Pepe Muñoz na sana ay mag-qualify ang Pinays sa 2020 World Cup.

Kasalukuyang hinihintay nila ang confirmation mula sa organizers.

Sa edition ng Asia Cup noong 2018, nagkaroon ng slots ang top four teams sa World Cup. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy