Una sa Balita

Women’s 3×3, Dormitorio kukuwento sa PSA Forum

0 144

BIBIDA sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes ang ilang miyembro ng Gilas Pilipinas women’s 3×3 team at Olympic hopeful na si Ariana Dormitorio sa Amelie Hotel-Manila.

Sisimulan alas-10:30 nang umaga, sentro ng talakayan sina head coach Pat Aquino kasama sina Afril Bernardino, Jack Animam, Clare Castro at Janine Pontejos na pag-uusapan ang kanilang paghahanda sa FIBA 3×3 Asia Cup sa Mayo 23-26 na gaganapin sa Changsa, China.

Ibabahagi naman ni 20-year-old mountain biker Dormitorio ang kanyang tsansa para mag-qualify sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Kasama ang San Miguel Corporation, Amelie Hotel at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), iniimbitahan ang lahat ng miyembro ng PSA na makilahok sa weekly sports forum. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy