Una sa Balita

WOMEN ARE HEROES — DUTERTE

By ,
0 5

Nangako kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte na isusulong ang pagpapa­lakas ng ‘gender equality’ sa bansa kung saan itinuturing pa niyang ‘heroes’ o bayani ang mga kababaihan.

“The Philippines ranks high in the Asia Paci­fic region and in the world in terms of gender equality. My administration shall strive to maintain this distinction as well as to conti­nue to recognize their invaluable contributions in sports, science, governance, education, public service and the arts,” diin ni Duterte sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ayon pa sa Pangulo, sa buong mundo ay ma­laki ang papel ng kababaihan dahil sila ang nagiging ina, intelektuwal, educators, caregivers, sundalo, aktibista, artist at leaders.

“Indeed, women are heroes,” diin pa niya.

Masuwerte aniya ang Pilipinas dahil naging “fertile ground for outstanding women in various sectors”

Ang pahayag ng Pa­ngulo ay taliwas naman sa deskripsyon sa kanya ng mga opposition lady se­nators na sina Risa Hontiveros at Leila de Lima na itinuturing siya bilang ‘misogynistic’ at ‘chauvinist’.

Samantala, nakibahagi ang grupong Gabriela sa pagdiriwang ng Women’s International Day ,kasama ang mga manggagawa sa Southern Tagalog sa pamamagitan ng isinagawang kilos protesta malapit sa US Embassy, kahapon ng umaga sa Maynila.

Naging highlights ng kilos protesta ang pagsunog sa isang replica ng ‘star at stripe banner ‘bilang pagtutol sa neolibe­ral war na ginagawa ni US President Donald Trump sa Pilipinas at iba pang bansa.

Nanawagan rin ang Gabriela sa pagpapabagsak sa world super power na nagdodomina sa mga mahihirap na bansa at sa mga kababaihan.

Kasunod ng maikling programa dumiretso naman ang grupo sa Bonifacio Shrine hanggang sa Mendiola para iprotesta naman ang anti-poor economic program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.