Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

With Mendoza fam: Maine, Arjo todo bakasyon sa Boracay

0 620

How time flies. As in super bilis talaga ng panahon.

Parang kelan lang, tinatago-tago pa si Maine Mendoza ng Eat Bulaga!

Parang kelan lang iniiwasan pang magtagpo, magkrus ang landas nina Maine at Alden Richards.

At parang kelan lang, huminto ang pag-inog ng mundo sa Pilipinas, dahil sa pagtatagpo nina Alden, Maine sa isang episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

“7 years na ako sa Eat Bulaga. July 4 ako pumasok!” masayang chika ni Maine.

“7 years today. So blessed and forever grateful to be living this life.

“Before this day ends, I just want to say thank you to everyone who greeted and remembered. Maliit na bagay man sa iba pero malaking bagay sa akin – kaya maraming salamat sayo. Maraming salamat sa inyo,” paulit-ulit na sambit ni Maine.

Well, ibang-iba na nga ang buhay ni Maine ngayon. Mula sa simpleng babae na pa-dubsmash, dubsmash lang, sikat na artista, host na siya ngayon.

At sabi nga ni MJ Lastimosa, “Dazurv mo lahat and more! Akala ko talaga hirap i-friend neto guyzzz! Apakakulit pala ni Luz. Labyu!”

Siyempre, nagpatalbugan sa pagbibigay ng mensahe ang mga loyal fan ni Maine.

“Maine it gives me such pleasure to experience your journey and thank you for sharing it with us. To be part of a great fanbase is certainly a first for me. It’s such a rollercoaster ride that will stick with me forever. You’ll always have my unconditional support,” sabi ni @kamVJN.

“Your determination to your craft forced me to achieve what I really want to be someday, and I’m grateful for that . you’re such a blessing and I love you you give me more and more reason to love you every single day. Happy anniversary Maine. Isa pa rin ako sa sampu!” chika ni @deisuals.

“Love you Meng, mula noon hanggang forever always here supporting and cheering for you so proud of all your achievements no amount of material things can replace the happiness you brought in our lives. God bless you in each and every journey you have in this lifetime mwah!” saad ni @yma4321.

Anyway, spotted din si Maine sa Boracay, kasama ang boyfriend na si Cong. Arjo Atayde. Bakasyon ng pamilya Mendoza `yon, kaya bongga lang na kasama talaga si Arjo o parte na ng Mendoza fam si Arjo.

Siyempre, spotted din sina Maine at Arjo sa birthday celebration ni Nanay Mary Anne.

Kaya nga, dahil sukob sa taon at bawal `yon, malamang na sa 2023 na ang inaabangang kasal nina Arjo at Maine, di ba? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.