Una sa Balita

With matching wine, cheese: KC Concepcion mag-isang nag-celebrate ng b-day niya

0 874

Mag-isang nag-celebrate ng kanyang kaarawan si KC Concepcion ngayong araw na ito, April 7. Yun ay base sa kanyang Instagram post kung saan, sinabi niyang sa loob ng isang buwan, dahil sa enhanced home quarantine, unang beses daw niyang magkaroon ng face to face interaction.

Nang puntahan siya ng mga bestfriend/pinsan niya sa kanyang bahay para ihatid ang ilan sa mga paborito niya tulad ng wine, cheese at coffee. Pero dahil nga sa social distancing, hindi rin sila nagkadikit man lang at mukhang inihatid lang sa doorstep niya ang mga goods.

Sa IG caption ni KC, “Gratefulness is the key to happiness ✨ Today my bestie cousins surprised me at my door- first time I had any face to face interaction with anyone in one month!!! They couldn’t come close nor enter, but they picked up & dropped off my favorite coffee & some bottles of wine & cheese to help me celebrate my birthday tomorrow. 😭 The joy I felt was different from what I’ve felt before. This gesture meant so much more knowing the limits & boundaries of what we are able to do to live life these days… Recently we’ve been made to do the unthinkable- separate & scatter, instead of be intimate & gather. It’s a weird feeling to not be able to “beso” or give a goodbye hug as they greeted me & walked away, smiling – behind their masks.”

Obviously, mas pinili rin talaga ni KC na mag-isa sa bahay niya kesa ang umuwi muna sa bahay ng mga magulang dahil may pagkakataon pa sana siya bago ipinatupad noong isang buwan ang EHQ.

Mukhang masaya naman si KC sa nagiging karanasan. Para lang din siyang bumalik sa dating buhay noong nag-aaral pa sa Paris at naka-dorm mag-isa. Kaya keri niya ang gawaing bahay. At in fairness sa kanya, kahit naka-EHQ, nakapag-donate pa rin para sa mga frontliners.

Nag-alay ng tula, ngiti:

Dingdong, Lovi nagtanggal ng facemask para sa mga frontliner

Kahit nasa kanya-kanyang bahay, hindi nauubusan ang mga artista ng idea sa kung paano nila dapat ipadama ang pag-alala at pagmamahal sa mga frontliner ngayon.

Sa pamamagitan ng kanya-kanyang pagre-record ng video ng tula na gawa ni Yan Yuzon, nagsama-sama sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, Benjamin Alves, Tom Rodriguez, Mikee Quintos, Mikoy Morales, Rita Daniela at Sunshine Dizon.

Sandaling hinubad ng mga ito ang kanilang suot na face mask at saka tinula ang “Ngingitian Kita.”

Bahagi ng tula, “Ngingitian Kita kahit maingat, Kahit may social distance. Kahit may kaba, kahit mata lang muna ang kita, ngingitian kita.”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More