Una sa Balita

Wish ni Sandara: Sana may 2NE1 Day

0 156

Hiniling ni member Sandara Park sa mga fan na sana may 2NE1 day.

Kasabay kasing ilalabas nina Dara at Park Bom ang kanilang “First Snow” duet sa mga bagong kanta ni Lee Chaerin o CL na “+I Quit 180327+” at “+Paradox171115+”, sa ganap na 6 p.m., Wednesday.

Lahat sila ay miyembro ng K-pop girl group na 2NE1, kasama si Minzy.
Taong 2016 huling naging active ang grupo, matapos ang suspension ng kontrata ni Bom noong 2014 dahil sa drug scandal, at pag-explore ng ibang member ng mga sari-sariling career.

Sa vlog na “V Live,” binahagi ni Dara ang saloobin sa sabayang pag-release ng mga kanta.

“I think fans will like it. It’ll be a win-win for all of us, and fans will be able to look forward to some great songs. It’s not really a competition amongst ourselves, it’s more like looking­ back on the old days while listening to all of the new songs together,”­ sey ng Pambansang Krung-Krung.

“Please listen to our song and Chaerin’s song a lot. I hope that tomorrow can be ‘2NE1 Day’,” wika pa niya. (RC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More