Una sa Balita

Wish ng Palasyo: Makulong ulit si Sonny!

By
0 475

NAIS ng gobyerno na makita muli sa kulu­ngan si Senador Antonio Trillanes IV para panagutan ang mga pag­labag sa batas matapos mapawalang-bisa ang amnestiyang iginawad sa kanya ng dating administrasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dalawang beses na pinangunahan ni Trillanes ang kudeta sa Oakwood at Manila Peninsula kaya marapat lamang na panagutan niya ito sa batas ngayong napawalang-bisa ang amnestiya nito.

Hindi rin aniya maaaring ikatuwiran ni Trillanes na siya ay ‘politically oppressed’ dahil gumagana ang mga institusyon sa bansa at walang tigil ang pagbanat nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito.

Abante Hiring – IT dep

“Well ‘yan po ang gusto pong mangyari ng gobyerno. Siyempre ‘no at kaya nga merong mga mosyon na dapat ibalik siya sa kulungan na nakabinbin ngayon sa Regional Trial Court sa Makati at meron ding posibilidad na ang magpapakulong sa kanya eh ‘yung military court, ‘yung military tribunal dahil concurrent jurisdiction po ‘yan ‘yung military tribunal at ‘yung ating mga regular na hukuman. Walang aplikasyon na nahanap ang gobyerno sa official file, walang tunay na pag-aamin sa krimen ng kudeta na dalawang beses niya ginawa doon sa Oakwood, sa mutiny at saka walang pagsisi at pagtigil sa paglabag sa batas, at panghihimok na dapat ang military ay hindi suportahan ang itinalaga ng taumbayan na President. ‘Yan po ay violation din ng kanyang amnesty,” ani Roque.