Una sa Balita

Wish list ni Marcial sa kamay ng PBA Board

By
0 1,194

Nasa kamay ng PBA Board kung matutupad ang nasa wish list ni officer-in-charge Wilfrido ‘Willie’ Marcial.
Para kay Marcial, gusto niyang baguhin ang kasalukuyang sistema ng PBA sa pagpapahiram ng players sa national pool at sa Gilas Pilipinas.

Sa umiiral na kasunduan, tigalawang players lang bawat team ang puwedeng ipahiram sa national pool at Gilas.

“Kahit ilan sana ang players na gustong ipahiram,” lahad ni Marcial, buena-manong bisita sa pagbabalik ng Philippine Sportswriters Association Forum sa Tapa King sa Farmers Plaza-Cubao, Quezon City kahapon.

“Sana mawala na ‘yun,” dagdag ni Marcial sa limit na two players per team. Kung ilan daw ang kailangan ng national coach sa isang team, dapat ibigay. Bahagi ito ng commitment ng PBA sa national squad.

Nilinaw ni Marcial na wala pang approval ang teams sa kanyang wish, pero ihahatag daw niya sa susunod na Board meeting.

Hindi maikakailang may higit dalawa o tatlong players ng isang PBA squad na swak sa sistema ng Gilas, pero dahil sa umiiral na kasunduan ay nalilimitahan sa dalawa lang ang ipinapahiram.

Naging OIC ng proleague si Marcial nang magbitiw noong Disyembre ang kontrobersyal na commissioner na si Andres ‘Chito’ Narvasa, Jr.

Sinasabi ng ilang board members na ang katagalan ni Marcial sa liga ang nagpapatok sa kanya na tuluyang maging kume ng liga, bukod sa hindi naman siya nag-a-apply sa puwesto.