Una sa Balita

Winwyn tinawag na kabit sa Japan

0 460

abante-i-know-better-jun-nardoNa-achieve ni Winwyn Marquez ang pagiging full-pledged fan girl ng South Korean K-Pop group na BTS nang dumayo siya sa Japan para mapanood ito nang live.

 


Documented ni Winwyn sa Twitter account ang karanasan habang nanonood ng concert.

 


“Fyi kung saan saan ako nakaupo super strict sa phone may 2 na pinalabas ng venue during the concert so hindi ako nag-try. But omg wala na akong boses. Omg lang.”

 


Malapitang nakita ng Kapuso actress ang mga idolo at inisa-isa niya ang ginawang performance ng members ng grupo.


Ibinahagi rin ni Win na may nakakilala sa kanyang mga Pinoy sa Japan dahil sa Kapuso series niyang “Dahil sa Pag-ibig.”


“I’m in Japan now and sobrang amazed ako pag may mga Pinoy na sinasabi sa akin. si Portia, kabit ni Eldon (Benjamin Alves). #DahilSaPagibig,” tweet ni Win.



Janine Gutierrez sinayang ang ganda

 

Pinatulan ni Janine Gutierrez ang komento ng isang netizen (@ellenbarrios) na sinabing sayang ang ganda at talino niya dahil hindi siya sumalang sa beauty contest.

 


Kahit marami ang nagsasabing swak siyang maging beauty queen, mas pinili ni Janine ang umarte.


“I feel so bad whenever someone calls someone else ‘s­ayang.’ Hindi ba puwedeng iba lang ang gusto niya sa buhay?” tugon ni Janine sa komento na ‘yon ng isang netizen sa isang post sa Intagram.


Maganda naman ang nangyayari sa career ni Janine. Eh sa nalalapit na pagtatapos ng Kapuso afternoon series niyang “Dragon Lady” ngayong Sabado, Hulyo 20, meron agad siyang sisimulang pelikula under T-Rex Entertainment kung saan si Paulo Avelino ang kapareha niya.


Eh kapag sumabak siya sa beauty pageants, walang kasiguraduhan kung mananalo siya ng major title, huh! Hindi naman porke may pangalan na siya sa showbiz eh, malakas na ang laban niya!


At siyempre, lagpas na ang edad niya para sa mga beauty pageant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy