Una sa Balita

Winwyn mukha nang barako

0 630

Nagmimistulang barako na si Winwyn Marquez sa mga posting nito na kuha sa gym. Nawawala na ang pagkababae at beauty queen aura ni Winwyn sa pinagkakaabalahan nito ngayon.

Bumubuhat lang naman ng mga mabibigat na bakal ang kauna-unahang Asian at Pinay na nakoronahan bilang Reina Hispanoamericana.

Nakalabandra sa Instagram ni Winwyn ang video ng working out niya na nagbubuhat ng metal plates habang nagi-squats. Hindi biro ang ginagawa ni Winwyn dahil 60lbs lang naman ang pinapasan nito.

Sa unang post nito, umabot siya sa 75lbs na metal plates na binubuhat.

Bukod dito, nagba-boxing din ang aktres.

Hindi sinasabi ni Winwyn ang rason ng pagwi-weightlifting nya, pero posibleng may pinaghahandaan ang aktres na ayaw muna niyang sabihin.

Bianca Manalo muntik maihi, mahimatay sa PH Arena

Halos maihi at mahimatay sa nerbyos si Bianca Manalo sa nakaraang event ng Frontrow sa Philippine Arena nitong nakaraang weekend.

Naka-post mismo sa Instagram ng “Ang Probinsyano” star ang video na nagpapakita ng discomfort nito sa tabi ng stage. Isa si Bianca sa tatlong host sa nasabing show.

Mapapanood ang mga galaw ni Bianca habang naghihintay ng cue para sa pagsampa nito sa entablado.

Masisilip sa video ang parang mga kutitap sa dami ng mga ilaw na nakapalibot sa buong arena, isang indikasyon na punong-puno ang buong venue.

Nalunod si Bianca sa nakita niyang laki ng audience na umabot sa 55,000.

Panay ang galaw at inhale, exhale ni Bianca. Maririnig ding nagpasalamat ito kay Lord.

Sa caption, sinabi nito na kinabahan siya nang todo sa unang karanasan niya sa ganitong karaming audience.

Luis nakakasawa na ang mukha – basher

Pumatol na naman si Luis Manzano sa kanyang mga basher na nanlalait sa kanyang kakayahang mag-host ng isang game show.

Hindi pinalampas ni Luis na sagutin at inisin ang follower niya nu’ng mag-comment itong nagsasawa na siya sa pagmumukha ni Luis na laging kinukuha ng Kapamilya sa game show at talent search.

Sa unang tweet, sinabi nitong may susunod pa siyang show, ang “The Voice Teens” kaya walang magagawa ang nagrereklamo.

Sa sumunod niyang reply sa basher, sinabihan niya itong magpalit ng hair dye product para hindi nagsasara ang utak nito.

Natatangi sa lahat ng artista si Luis na magaling mang-inis at magpatutsada sa mga basher.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy