Una sa Balita

‘Winwyn don’t pretend na matalino ka!’ – Melanie

By
0 270

Bago lumipad for Bolivia si Winwyn Marquez para sa kanyang pakikipag-compete sa Miss Reina Hispanoame­ricana 2017 on November 4, nagbigay ng mga payo sa kanya ang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

Hindi nga makakasama sina Joey at Alma sa Bolivia kaya mga comforting words and advises ang pabaon nila kay Wyn.

“Basically, they just tell me to enjoy and have fun because it’s only going to happen once in a lifetime. Sabi nila, huwag ako masyado maging nega.

“People will say whatever they want to say, pero kung kilala mo ‘yung sarili mo, and you know that you’ll going to do well, then doon ka maniwala,” sey pa ni Wyn na siyang kauna-unahang Philippine representative sa natu­rang international pageant.

Hindi rin siyempre nagpahuli ang pamosong beauty queen aunt ni Wyn na si Melanie Marquez sa pagbigay ng payo sa kanyang beauty queen pamangkin.

“I-enjoy ko lang at salihan ko raw ang lahat na puwede kong salihan, and ipakita ko lang daw who I really am. Don’t pretend you’re good in Spanish, don’t pretend na parang matalino ka na parang alam mo ‘tong language na ito. You just be yourself,” kuwento pa ni Wyn. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More