Winwyn atras sa kasal kay Mark

Sikat at may korona na kasi

By

Apektado ng kasalukuyang ASEAN Summit ang pagbabalik sa bansa ni Winwyn Marquez nu’ng Lunes.

Sa halip na umaga makalapag ang sinak­yang eroplano, 2PM na ito nag-landing kaya nalipat ng early evening ang welcome presscon niya sa Annabel’s courtesy of Arnold Vegafria.

Punumpuno ng confidence na dumating sa venue si Winwyn sa suot niyang crown bilang unang Asian na nagwagi ng title na Reina Hispanoamericana na ginanap sa Sta. Cruz, Bolivia.

Kuwento ni Winwyn, nu’ng unang pagkikita nila ng mga kandidata, atubili silang lapitan siya.

Pero nu’ng time ng kanilang activities nag-effort daw siyang mag-reach out sa kanila.

“They were so nice. Sila pa nga ‘yung nag-i-interpret ng ilang interviews ko pati ‘yung pag-interpret ng national costume ko,” say ni Teresita.

May feeling ba siya na mananalo siya, lalo na nung silang dalawa na lang ni Miss Curacao ang naiwan sa stage?

“Wala akong naiisip. Nagti-thank you na lang ako sa utak ko. Okey na ‘to. Kasi Top 10 pa lang, okay na ako eh,” rason ni Reina Winwyn.

Marami raw humanga sa kanyang sagot sa question and answer portion.

“Hindi kasi ako naririnig ng interpreter kaya pahintu-hinto ako,” chika pa niya.


Kasama ni Winwyn na bumiyahe sa Bolivia ang kapatid na si Yeoj at isang tita.

Ang Mayor ng Parañaque City na si Olivarez ang gumastos sa pamasahe nila.

“Para naman may pumalakpak daw sa akin pag rumampa na ako. Para raw may mga Filipino na papalakpak sa akin pagrampa ko na ginawa naman nila! Ha! Ha! Ha!” sey pa ni Winwyn.

Hindi ba siya nakaranas ng diskriminasyon sa ibang kandidata dahil sa pagiging Asian niya?

“No! Wala talaga. Sabi nga nila, ‘yung batch na ito is very different from before.”

Bilang winner, mag-aaral siya ng Espanyol dahil gusto niyang palaganapin ang Hispanic culture.

May tutor na ngang kinausap ang Kuya Yeoj niya.

Teka, pipirma na uli siya ng kontrata sa GMA ngayong beauty titlist na siya?

“Under negotiation pa po. Bahala na si Tito Arnold,” tugon niya.

Tuloy pa rin daw siya sa pag-aartista. Pero gagamitin na niya ang tunay niyang pa­ngalan na Teresita Marquez.

“Pero gusto kong kontrabida pa rin.

Hindi ko alam kung bakit eh.

Mas exciting.

Kasi for me mas challenging.

Malalaro mo ‘yung role.

Pero kung ano ang ibigay ng GMA.

Hindi naman ako choosy sa ibibigay nila.

Depende na lang sa Miss World,” katwiran niya.

Love na siya ng GMA dahil may malaki siyang billboard ng pagbati sa building nila.

“Hindi ba nila ako love noon? Ha! Ha! Ha!” sagot ng Miss Reina Hispanoamericana 2017.

So paano na ang kasal nila ni Mark Herras?

“Wag muna. Marami pa tayong gagawin eh. Nandyan nga siya ngayon kasama ko,” sabi na lang ni Winwyn.
 

SHARE