Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Winter Olympics gagamit ng robot

0 163

GAGAMIT ng mga robot ang organizers ng 2022 Beijing Winter Olympics sa susunod na buwan upang maiwasan ang hawahan ng coronavirus disease sa mga delegadong atleta, coaches at mga magpapartisipa sa multi-sporting event.

Gagamitin ang mga robot sa pagdadala ng pagkain para sa mga atleta, maging sa pagluluto, ang mga ito na umano ang mangunguna para iwas interaksiyon sa mga tao.

Gaganapin ang kompetisyon sa Beijing sa Pebrero 4-20 tampok ang 109 events sa 15 disciplines ng pitong winter sports.

Mahigpit rin Winter Olympics, kailangan bakunado na ang mga kalahok at dadaan sa 21 araw na quarantine. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.