Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Winston, La Salle hahabol sa top 2

0 124

Standings W L
Ateneo 9 0
UP 8 1
DLSU 6 3
NU 4 5
FEU 3 6
UST 3 6
AdU 3 6
UE 0 9

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
10:00am — UST vs Ateneo
12:30pm — NU vs FEU
4:30pm — Adamson vs UP
7:00pm — UE vs DLSU

UMAKYAT sa top 2 ng team standings ang pakay nina Schonny Winston at ng De La Salle University (DLSU) Green Archers pagsagupa kontra University of the East (UE) Red Warriors sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament second round eliminations ngayon sa SM Mall of Asia Arena.

Kasalukuyang naka-upo sa ikatlong puwesto ang Green Archers na ma 6-3 win-loss card habang nasa ibaba ang Red Warriors na may markang 0-9 slate tungo sa laban na aaksiyon alas-7 ng gabi.

Dinemolis nitong Martes ng DLSU ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers 112-83 sa pangunguna ni Winston na umiskor ng career-high 33 points.

Sa kabilang dako, sadsad sa ika-siyam na sunod na pagkatalo ang Red Warriors nitong Martes matapos yumuko laban sa Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles, 76-63.

Samantala, unang didribol ngayon ang UST kontra Ateneo (10am), kasunod ang salpukang NU Bulldogs laban sa FEU Tamaraws (12:30pm) at Adamson Soaring Falcons katapar ang UP Fighting Maroons (4:30pm). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.