Una sa Balita

Winning run itutuloy ng 3 teams

By
0 5

STANDINGS
TEAMS                    W    L
*TNT Katropa         6     0
Mahindra                5     2
Ginebra                   5     2
San Miguel              4     2
Mahindra                 4     2
Meralco                    4     3
Rain or Shine           3     3
NLEX                        3     3
Phoenix                   2     4
GlobalPort               2     4
Alaska                      2     4
Star                          1     5
Blackwater              1     6

*Quarterfinalist

Games ngayon, Miyerkules: (Smart Ara­neta Coliseum)
4:15 p.m. — NLEX vs. Meralco
7:00 p.m. — San Miguel Beer vs. Alaska

Pare-parehong desididong madugtungan ng tatlong teams ang mga winning-streaks habang bubuelo ang defending champion San Miguel Beer para mga makalapit sa Top Four-Eight sa pakusyal nang halfway mark ng Oppo PBA Governors’ Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum.

Tatayo ang fourth-running SMB (4-2) buhat sa 98-92 upset loss sa GlobalPort nung Biyernes habang susundan ng katabla sa triple-tie sa eight na Alaska (2-4) ang 85-69 victory sa Star pa-ala-siete ng gabi ngayon sa pagkabuhay ng rivalry ng dalawang kampo.

“They are the defen­ding champions  and the most talented team in the league. We will do all we can to battle and find a way, and once again, our defense will be the most important factor for us,” komentaryo ni Aces coach Alex Compton.

Depende sa mood ni AZ Reid, baka hindi ito maglaro ngayon tapos makakuha ng Achilles injury sa kanang paa sa 111-105 double overtime win sa Barangay Ginebra San Miguel may siyam na araw na ang nakalilipas.

Naka-41 points ang 30 year American import kontra Batang Pier pero nagulat pa rin ang Beermen saka siniwalat ang kanyang injury tapos ng game.
Pakay muna sa alas-4:15 ng hapon ng katabla sa seventh na NLEX (3-3) ang third straight laban sa nakaupo sa sixth na Meralco (4-3).

Gaya ng Aces sa Beermen, nakikita ng NLEX na mahirap kalaban ang Meralco na galing sa 105-90 demolisyon sa Blackwater. Pero tiwala ang Road Warriors makakaalpas kung mapapagana ang depensa.

“Meralco is a strong team, they have talen­ted local players plus they have a very good import on  (Allen) Durham, we really have to be solid on our defense both indivi­dual and as a team if we want to upset Meralco,” ani Road Warriors coach Boyet Fernandez, na la­test victim ang Mahindra 82-81.