Una sa Balita

Winners sa SJC derby ngayon

0 246

MGA natitirang derby winner ang lilipad sa “PGBDA 4-Cock/Bullstag Derby” sa air-conditioned San Juan Coliseum nga­yon, Miyerkoles, July 17.

Inaasahan ang may 80 sultada ngayon, pahayag ni PGBDA president Atty. Hermie Capuchino.

Itinakda ang entry fee sa P11,000 at minimum bet P8,800.

Naging matagumpay ang PGBDA 2019 Cocker of the Year race nitong Marso at Abril kung saan si World Slasher Cup veteran Wilvin Sy ang nanalo at runner-up si John Paul Dy.

Naghahanda rin ang PGBDA para sa “70M digmaan national 11 -Stag Derby,” ani Go. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy