Una sa Balita

So winasiwas ang Tsino

By
0 1,865

Sumalo sa fifth place si Grandmaster Wesley So ng USA matapos payukuin si Chinese Grandmaster Hou Yifan sa 13th at final round ng 2018 Tata Steel chess tournament nasa Hiversum, Netherlands kahapon.

Nakalikom si 24-year-old So ng walong puntos, kasalo niya sa panlima si former World Champion GM Viswanathan Anand ng India na nakipaghatian ng puntos kay Azerbaijan Grandmaster Shakhriyar Mamedyarov sa 67 moves ng Queens Gambit declined.

Nabigo si Imus, Cavite native So na madepensahan ang kanyang titulo pero umangat naman ang kanyang elo rating.

Mula sa 2792, umakyat sa 2799 ang rating ni So na nagpalit ng federation may tatlong taon na ang nakalipas, dala niya ngayon ang bandera ng Amerika sa tuwing lalaro sa tournaments.

Parehong tumapos ng nine points sina reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway at GM Anish Giri ng host country.

Nagkaroon ng dalawang tie-break games kung saan nanaig si Carlsen para tanghaling kampeon.