Una sa Balita

Winasak mo pagkatao ko!

0 707

Asawa ni Dody Puno kay Duterte

WALA pa ring ideya ang director ng Food and Drug Administration (FDA) kung bakit siya tinanggal sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hanggang kahapon ay wala siyang natatanggap na paliwanag ng Malacañang hinggil sa kaso ng katiwalian na kinasasangkutan umano niya.

Matatandaan na si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang nag-anunsyo noong nakaraang Huwebes, Mayo 9, ang pagtanggal kay FDA Director General Nela Charade Puno bilang bahagi umano ng “President’s continuing mandate to eradicate graft and corruption.”

Buwelta naman ng asawa ng negosyanteng si Rodolfo ‘Dody’ Puno, wala siyang kinakaharap na anumang kaso o imbestigasyon.

“I respect the President. It’s just that if they wanted me out, they could have just talked to me because this is a clear attack of my character. I have asked them. There’s no res­ponse,” litanya ni Puno sa ANC.

Bago siya tinanggal sa trabaho, kinuwento ni Puno na sinabihan siya ni Health Undersecretary Eric Domingo na magbitiw na lang sa puwesto dahil kung hindi niya gagawin ito ay hindi niya magugustuhan ang susunod na mangyayari.

Tumanggi umano siyang magbitiw dahil wala naman siyang ginagawang mali.
Ipinagmalaki ni Puno na sa ilalim ng kanyang liderato, nahuli ng FDA ang mga gumagawa ng pekeng gamot, kabilang na ang mga dayuhan na nagpapakalat ng mga pekeng bakuna kontra rabies.

Nagawa rin niya na ibaba sa 8,000 applications mula sa dating 60,000 ang backlog sa product registration.

Tiniyak din niya na hindi siya nakipag-usap sa mga drug company para magpasuhol.

“That chance of trying to bribe me never happened. I made sure there is no mechanism for them to do that,”diin pa ni Puno.

Binanggit naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na si Health Secretary Francisco Duque dapat ang nagpapaliwanag sa dahilan ng pagsibak kay Puno at hindi siya.

“Hindi ko alam. I was just instructe­d to read the termination letter,” ani ni Panelo

“He is the direct boss. Binasa ko lang ‘yung what I read. It should be Secretary Duque who should be res­ponding to all questions in connection with the termination,” dagdag pa niya. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy