Una sa Balita

Win sa Senado: Mga key economic bill iprayoridad

By
0 289

NAKIUSAP si Senador Sherwin Gatchalian sa mga kapwa mambabatas­ na gawing prayoridad ang pagsasabatas ng key economic bills oras na mag-resume ang sesyon sa Kongreso.

Ito’y matapos isiwalat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang poor standing ng bansa pagdating sa Foreign Direct Investment (FDI) inflows.

Ayon kay Gatchalian,­ posibleng nakaapekto­ sa FDI inflows ng bansa ang macroeconomic risks tulad ng ‘di inaasahang pagsirit ng inflation nitong 2018, restrictive investment environment, at ang poor infrastructure qua­lity partikular sa transportasyon at logistical infrastructure.

Upang maiangat ang competitive business environment sa bansa, iginiit ni Gatchalian ang agarang pagsasabatas ng Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act at pag-amyenda sa Foreign Investments Act (FIA) of 1991.

Sa pamamagitan nito, naniniwala ang senador na yayabong ang foreign at local business at investments sa bansa.

“I call on my colleagues in the Senate to prioritize the passage of key economic bills that will foster an inclusive, efficient, and competitive business environment in the Philippines, such as the Public Service Act and the Retail Trade Liberalization Act,” sabi ni Win.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More