Una sa Balita

Win atat nang ikasal kay Bianca

0 359

UMAASA at taimtim na nananalangin si Senador Win Gatchalian na ngayong taon ay maikasal na siya sa kanyang kasintahan, ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.

“Iyan ay kasama sa aking panalanging nga­yong 2020,” pahayag ni Gatchalian nang tanu­ngin ng brodkaster na si Cely Bueno sa kanyang programa kahapon sa himpilang DWIZ.

“God willing. Talagang not getting any younger,” dagdag pa nito.
Noong Nobyembre ng nagdaang taon, kinumpirma ni Manalo sa publiko ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Makikita sa Instagram ang photo in-upload ni Bianca, kung saan magkahawak sila ng kamay ng senador. May caption ito na, “Imagine being loved the way you love. [heart emoji]”
Bago si Gatchalian, huling nakarelasyon ni Manalo si Brazilian model Fabio Ide noong 2005.

Dati namang na-link si Gatchalian sa East Bulaga host na si Pauleen Luna na kinasal at nagkaanak na kay Vic Sotto. (Dindo Mati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More