Una sa Balita

Wilson sinalba ang San Juan vs Pasay

0 322

INIESKAPO ni ex-pro John Wilson ang top seed San Juan Knights Go for Gold sa matapang na eight seed Pasay, 75-74 oara makauna sa best-of-three quarterfinals ng 3rd Chooks MPBL Lakan Cup 2019-2020 ­nitong Sabado sa Filoil Fl­ying V Centre.

Pumukol ng clutch trey ang dating Ginebra forward upang alisin sa 71-deadlock ang laro sa natitirang 1:31. Si Jhonard Clarito ang nagpadagdag pa ng isang puntos matapos ipasok ang isang freethrow. Pero humirit pa ang Pasay sa pamamagitan ng buzzer-beating trey ni Ronnel Lastimosa na nagdadala sa final tally.

Tumapos si Wilson ng 11 points sahog ang 8 rebounds at 3 steals sa likod ni Mike Ayona­yon na tumirada ng 15 markers, 5 assists at 2 stls. para tapusin ng defending champions ang planong pagsilat ng Pasay.

“Number one yung defense, nakakuha kami ng mga turnover kay Jaypee (Belencion), ‘yung forced shots nila plus ‘yung hustle ng mga player ­talagang hindi nag-give up,” ani San Juan coach Randy ­Alcantara.
Hindi naman sumpat ang 24 puntos ni Axel Iñigo mula sa kinolektang 4 na trey.

Nakabuwenamo rin ang ang Pampanga ADG Group of Companies kontra 1Bataan-­ ­Camaya Coast, 71-64.

Ang iskor:

San Juan 75 — Ayonayon 15, Clarito 13, Rodriguez 11, Wilson 11, Estrella 8, Wamar 7, Isit 6, Aquino 4, Tajonera 0, ­Victoria 0, Pelayo 0, Reyes 0, Gabawan 0, Bunag 0.

Pasay 74 — Inigo 24, ­Moradas 13, Belencion 11, Ilagan 9, ­Reverente 8, Lastimosa 3, Chan 2, ­Lasquety 2, Pasia 2, Opiso 0.

Quarters: 13-24, 28-36, 53-60, 75-74. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More