Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wilson, Clarin dinemolis Iligan

0 13

BINUGBOG nina John Wilson, pasabog ng unang triple-double sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup, at ng Clarin ang Iligan, 98-65, Martes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.

Hataw si Wilson ng 19 points, 15 rebounds at 10 assists para ibigay sa ng Sto. Niño ang unang pwesto sa standings na may 4-0 record.

Nag-ambag sa panalo ng Clarin sina Joseph Eriobu na nagtala ng 16 points at anim na rebounds, Carlo Lastimosa na umiskor ng 15 markers, Pamboy Raymundo na komopo ng 13 puntos at walong assists at Jayvee Marcelino na may 12 points at apat na rebounds.

Hindi naman sapat para sa Archangels, lugmok sa 0-5 marka, ang 15 at 13 puntos nina Joel Lee Yu at Wilson Baltazar. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.