Una sa Balita

Wilson 1 na ring mitsa sa Phoenix

By
0 1,577

Medyo maliit ang 6-foot-3 frame ni Willie Wilson sa posisyon niyang forward, pero malaking bagay ang presensiya niya sa loob kaya umaangas ang Phoenix Petroleum.

Malaking isda ang nabingwit ng Fuel Masters sa katauhan ng Ginebra 87-82 nitong nagdaang linggo, at instrumento sa panalo si Wilson, 37.

Beast mode ang bruskong si Wilson laban sa dating team, tumikada ng perpektong 7 for 7 mula sa field tungo sa 19 points nang hugutin off the bench ni coach Louie Alas.

Sa loob ng 25 minutes, may panahog pang five rebounds, two assists at two steals ang fourth overall pick ng Alaska noong 2004 draft.

Higit sa lahat, inako ni Wilson ang pakikipagbalyahan sa bigs ng Gin Kings na sina Japeth Aguilar at Raymond Aguilar. Wala noon ang tore ng Ginebra na si Greg Slaughter at beteranong si Joe Devance.

Nagwala si Wilson sa nirehistrong 14 points nang umariba ang Phoenix sa 49-29 lead bago sinalag ang rally ng Gins.

Birthday ni Wilson ngayon, Jan. 30, at sa kanya ibinigay ang citation bilang PBA Press Corps Player of the Week para sa Jan. 22-28.

Angat ang Fuel Masters sa 3-3, sunod na haharapin ang Alaska bukas, Miyerkoles sa MOA Arena.