Una sa Balita

Willie nagwala sa galit

By
0 3,679

Nabuking ni Willie Revillame mismo ang raket na nangyayari sa kanyang show na Wowowin sa pamamagitan ng isang lider-lideran na iipunin ang mga taong hindi magkakakilala, aastang residente ng isang lugar at maglalaro sa kanyang show.

Pagkatapos nito ay iipunin ang mga perang napanalunan, kukunin muna ng lider ang kanyang komisyon at saka paghahatian ang natira pang pera.

Matagal na raw nitong hinala ng Kapuso TV host na nakumpirma lang niya mula sa isang contestant ang nagsalita na hindi niya kakilala ang mga kasamahan niya sa grupo.

Abante Hiring – IT dep

Maging ang lider na siyang nagpa-book sa kanila ay hindi raw nito kilala kung kaya nabuking nga ni Willie na totoo ang modus operandi na ito.

Dahil sa pangyayaring ito, paiimbestagahan niya ang mga ganitong kaganapan na nagagamit ang kanyang show para makapamera ang ibang tao.

Kilala naman natin kung gaano kamahal nito ang kanyang show na sa kabila ng mga nangyari sa kanya in the past ay hindi siya bumitaw at hindi niya iniwanan ang show na ito.

Aba, dapat nga palang busisiin niya at ng production people niya ang raket na ito dahil marami ngang mamamayan ang nagagamit.

Kalokah ha?

 

Dyowa ni Andi palaban sa World Surf Games

 

Lalo raw ginanahan ang napapabalitang dyowa ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo dahil sa good luck message na ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account.

Papuntang Japan ang Surfer Champion upang maki­pag-compete sa 2018 World Surf Games mula Sept 15-22 bilang bahagi ng Philippine Team.

First time na lumahok dito ang Pilipinas kaya ganun na lang kapursigido ang team nina Philmar na makakuha ng medalya para sa ating bansa.

Simpleng mensahe lamang ‘yun na ibinahagi ni Andi sa kanyang IG story saying, ‘Goodluck sa aking # idol lodi.’

Ni-repost naman ito ni Philmar na may dagdag na caption na, ‘Ikaw ang lodi ng buhay ko.’

At sa isa pa niyang post, may ‘Miss you’ na itong nakalagay.

Well, kumalat ang tsika sa bagong dyowa niyang ito last month pa nang madalas silang makitang magkasama sa Siargao kung saan tagaroon si Philmar.

Anyway, good luck nga din sa games nila, noh!