Una sa Balita

Willie nagbabala sa mga scammer

0 479

Nagbigay ng babala ang “Wowowin” host na si Willie Revillame sa kanyang audience na mag-ingat sa mga scammer na ginagamit ang kanyang show para makapanloko.

Noong nakaraang November 5 sa “Wowowin”, pinaalalahanan ni Willie ang mga nasa studio na mag-ingat ang mga taong naniningil ng bayad sa kanila para makapasok at makapanood sa studio.

Pinagdiinan ni Willie na walang bayad ang manood ng “Wowowin”.

“‘Wag ho kayo makikinig sa labas. Wala pong bayad ang manood dito. Walang bayad.

“‘Wag kayo magpapaloko sa labas. Kung meron man kayong binibigyan ng pera, hindi po ‘yan pananagutan ng GMA at ‘Wowowin’.

“Dito ho libre ang maglaro at libre ang manood. Basta magpa-book lang kayo.

“‘Pag may humingi ng pera sa inyo sa labas o ano man, niloloko lang kayo.”

Na-flash pa sa TV screen ang paraan kung paano makapanood at makapaglaro sa studio:

“Para maging studio audience sa Wowowin, mag-email sa wowowingma@yahoo.com.ph o kaya ay tumawag sa (02) 710-35-27 tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes mula 2 P.M. to 5 P.M. at hanapin si Martin Tamba.”

Dagdag pa ni Willie na walang katotohanan ang mga kumakalat sa social media at pati na sa text na nagsasabing nanalo sila sa “Wowowin”.

Diin ni Willie na mananalo ka lang sa pagsali sa mga games nito sa loob ng studio ng GMA-7.

“Saka ho ‘yung mga ina-announce sa Facebook, Instagram, lahat ng ‘yan, Twitter na nanalo kayo ng ganito. Hindi po totoo ‘yan. Wala.

“Lahat ng panalo dito mangyayari sa loob ng studio ng GMA at ‘Wowowin’. Marami pong salamat.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy