Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Willie ginamit ni Kim sa ‘panloloko’

0 1,332

Binigo ni Kim Domingo ang kanyang ina, tita at lola sa inasahan nilang sampung libong piso (P10K) na ibibigay sa kanila ni Willie Revillame.

Nakaposte sa YouTube channel ni Kim ang video ng kagalakan ng nanay, tita at lola niya, nang marinig sa cellphone na nanalo ang mga ito ng P10K.

Pero, hindi totoong nanalo ang mga nabanggit, dahil bahagi lang ito ng ‘prank’ ni Kim sa tatlong matatanda. Ang totoo kasi, recorded na ang boses na `yon ni Willie.

At siyempre, nanghinayang ang matatanda nang malaman nilang prank lang ang lahat. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.