Una sa Balita

Williams, Federer magkakasubukan

By
0 486

NAPAKAHABANG panahon na ng itinagal nina Serena Williams at Roger Federer sa court, itinuturing na silang dalawa bilang ­greatest tennis players of all time.

Silang dalawa lang ang may 20 grand slam titles o higit pa sa Open Era – 23 kay Williams, 20 kay Federer.
Sa unang pagkaka­taon, magtatagisan ang dalawa sa faceoff nila sa Hopman Cup exhibition mixed doubles match ngayong araw sa Australia.

Walong beses nang nagsabay nanalo ng grand slam titles sina Williams at Federer, parehong 37-anyos, sa iisang weekend. Pinakahuli rito noong 2017. Sabay na rin silang naglaro noong 2010 sa isang exhibition match na fund raising para sa Haiti.

Pero hindi pa nagla­laro na nasa magkabilang dulo ng net.

Sa Hopman Cup, walong team na kaka­tawan sa kani-kanilang bansa ang lalaro sa round-robin format. Hinati sa da­lawang grupong tig-apat, bawat bansa ay lalaro ng dalawang singles at mixed doubles match. Ang winners ng bawat grupo ay magpapang-abot sa final sa Sabado.

“I’ve been looking forward to it since I saw it,” bulalas ni Williams, ayon sa New York Time. “I was like, ‘Oh, my God, this is so cool.’ So it’s just something that, as a player, is something that you would dream of, to play Roger Federer.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy