Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Will Smith sasabak sa politika

0 69

May posibilidad na sumuong sa mundo ng politika si ‘Men in Black’ star Will Smith.

Inamin ni Smith ang interes niya sa politika sa inilabas noong Lunes na interview sa kanya sa ‘Pod Save America’, kung saan nag-promote siya ng bagong Netflix docuseries na “Amend: The Fight for America”.

Binigyang-diin ng 52-year-old actor na may opinyon siya pagdating sa activism, systemic racism at mga ideya para sa hinaharap ng Amerika.

“I will certainly do my part, whether it remain artistic or at some point venture into the political arena,” sagot ng aktor nang tanungin kung isasaalang-alang ba niya mismo ang pagtakbo sa politika.

SM food to go Banner Ad

“For now, let that office get cleaned up a little bit. I’ll consider it at some point down the line,” dagdag niya.

Umani ito ng magkakahalong reaksyon mula sa mga netizen. Ang iba ay suportado ang aktor habang ang ilan ay hindi welcome sa naging desisyon nito:

“Can celebs stick to entertainment and make a change in that field. They should make a change in the industry because it needs it. My personal option, but I don’t want to see any more celebrities in any political office.”

“Plenty of people run for congress with no prior office. I wouldn’t support him for president but if he wants to run for something lower I say go for it.” (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.