Una sa Balita

Will.i.am ng Black Eyed Peas pumalag sa racism

0 395

Inakusahan ng Black Eyed Peas member na si will.i.am ang isang flight attendant mula sa Qantas Airways ng racism kamakailan.

Sumabog ang damdamin sa gigil ng international singer dahilan para sunod-sunod nitong ibuga sa Twitter ang kanyang damdamin sa nangyaring engkuwentro.

Ayon sa singer na may real name na William Adams, siya ay patungo ng Sydney mula Brisbane nang mangyari ang insidente.

“I’m sorry to say me and my group have experienced the worse service due to a overly aggressive flight attendant… I don’t want to believe she racist. But she has clearly aimed all her frustrations only at the people of colour,” kuwento ni Will.

‘Di pa nga nakuntento ang singer, pinangalanan pa niya sa sobrang gigil ang naturang attendant na kanyang naka-engkuwentro.

“This is how you greeted when you land from Brisbane to Sydney flying @qantas with a #RacistFlightattendant named Lorraine Marshall…She sent the police after me because I couldn’t hear the P.A while making beats on the plane wearing noise canceling headphones…” Nanggagalaiti na kuwento pa ng singer kalakip ang stolen shot ng pulis na kanyang nakaharap.

Samantala, nagbigay naman na ng statement ang Qantas Airways hinggil sa racist incident sa pagitan nina will.i.am at Marshall. Itinanggi ng airlines ang mga alegasyong nangyari na may kinalaman sa racism at sinabing hindi lamang nagkaintindihan ang dalawang kampo.

“There was a misunderstanding on board, which seems to have been exacerbated by will.i.am wearing noise cancelling headphones and not being able to hear instructions from crew… We’ll be following up with will.i.am and wish him well for the rest of the tour,” sabi sa statement ng Qantas.

Pero ayon naman sa iba pang tweets ni will.i.am, tanging siya lang ang nakaranas ng kawalang-respeto sa oras na iyon which is sinang-ayunan ng iba pang pasahero na nakasabay niya.

Gayunpaman, may mga negatibong konotasyon din ang ilang netizen sa naging reaksyon ni will.i.am lalo nang banggitin nito ang pangalan ng attendant.

Ngunit wala pa ring pagsisi, aniya, ang singer sa kanyang naging aksyon sa nangyari. “I don’t regret my actions… Today I FELT discrimination…and I spoke for all the other people who are voiceless,” paninindigan pa ng singer. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy