Una sa Balita

Will Devaughn tulala sa ‘hiwalayan’ kay Roxanne Barcelo

By
0 3,505

Sinubukan kong kontakin ang aming kaibigang si Will Devaughn para kunin ang opinyon niya tungkol sa revelation ni Roxanne Barcelo na hiwalay na sila. Pero, nagkataong nasa shooting ito ng isang movie, kaya hindi siya nakapag-return call.

Ibang confidante niya ang tumawag sa akin at nagpaliwanag nga tungkol sa stand ng aming kaibigan.

Mukhang tulaley pa raw ito na ayaw pag-usapan dahil biglaan naman ang pagbubulgar ni Roxie sa thanksgiving presscon ng Wildflower. Feeling ng confidante ni Will, hindi ito handa sa sasabihin dahil mukhang nasa state of denial pa ito.

Nagkikita pa rin naman sina Will at Roxie dahil sa ibang mga bagay-bagay na dapat pag-usapan, pero mukhang wala sa agenda nila ang biglaang magre-reveal kung ano man meron sa kanilang dalawa ngayon.

Pinaplano pa nga sana ang nationwide release ng kanilang movie together before, pero, paano pa ito mangyayari dahil sira na kaagad ang promo strategy na supposed to be ay ang ganda-ganda ng kanilang relasyon na isa sa pinaka-ideal sa showbiz.

Sinabi pa ng kausap namin na totoong hindi isyu ang pera dito, dahil si Will ay may mga stable na negosyo, noh! Kaya nitong mabuhay mag-isa dito sa Pilipinas.

Anyway, kapag okey na si Will, tingnan natin kung ibibigay naman niya ang side ng kanyang kuwento.

Maxine Medina, Marx Topacio pakakasal na sa 2019

Hintayin daw next year kung yaya­yain na ni Marx Topacio ang kanyang girlfriend na si Maxine Medina na magpakasal.

Ayon sa tsikahan namin sa pictorial ng Metro Bank Card Corporation para sa Yazz Card kung saan isa sa mga mode­lo nito, ay nabanggit nga niya na puwedeng next year ay mag-decide na siya.

Aba, 7 years na ang kanilang relasyon na nalampasan na nila ang tinatawag na 7-year-inch, kaya wala naman daw dahilan para ma-insecure pa siya kay Maxine.

Aminado naman siya na meron pa ring nagkakagusto sa kanyang dyowa, pero hindi na niya pinagseselosan ang mga ito dahil mismong si Bb. Pilipinas Universe 2016 na mismo ang nagsusumbong o nagkukuwento sa kanya.

‘Yun nga lang, papaganda na pareho ang kani-kanilang career, lalo na siya na after his stint sa Encantadia ay mukhang itutuloy na talaga ang kanyang TV career, kaya baka ito naman ang ma­ging hindrance sa propo­sal na gusto niyang gawin.

As usual, pinag-uusapan nila ito ni Maxine lalo na’t gusto rin niya na may stable income siya para sa kanyang magiging pamil­ya. Kaya, ipon-ipon din daw muna siya using his Yazz Card na nakapag-open siya ng account na walang interes.

‘Yun na!