Una sa Balita

Wildest ending ng Maja serye dadalhin sa Cavite

By
0 2,572

Sa biglang pagkamatay ni Diego (Joseph Marco), ano kaya ang susunod na hakbang ni Lily Cruz (Maja Salvador)? Ano ang kinabukasan na naghihintay sa Poblacion Ardiente?

Dapat tutukan ang inaabangang pagtatapos ng hit ABS-CBN primetime series na Wildflower ngayong Biyernes (Feb. 9) na may live scree­ning na magaganap sa Robinson’s Place General Trias Activity Area sa Cavite.

Tunghayan kung paano magtatapos ang makulay at maaksyong buhay ni Lily na isang taon nang sinubaybayan ng mga manonood, mapabahay man o online.

Bilang pasasalamat, isang palabas ang inihanda ng cast sa Wildflower Pasasalamat show na magaganap pagkatapos ng live screening. Dito, makaka-bonding ng fans ang buong cast na naghanda naman ng kani-kanilang production numbers at iba pang sorpresa.

Higit sa paghihiganti, ang Wildflower, na nilikha sa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani, ay isang makapangyarihang kuwento tungkol sa lakas ng loob, determinasyon, at tatag ng isang babaeng ang hangad ay hustisya para sa kanyang pamilya at para sa kanyang mga kababayan. Dala ang pag-ibig at pag-asa sa kanyang puso, ipinaglalaban ni Lily ang tama nang hindi nilalagay ang batas sa kanyang mga kamay.