Una sa Balita

WikiLeaks iniimbestigahan ng FBI, CIA

By
0 130

Nagsanib puwersa ang Federal Bureau of Investigation (FBI) at Central Investigation Agency (CIA) sa pagsasagawa ng imbes­tigasyon sa isinawalat ng WikiLeaks na hacking ­operation ng CIA.

Sa ulat, aalamin ng mga imbestigador kung paano nakuha ng Wiki­Leaks ang ­nasabing impormasyon kung saan ina­min na ang mga ­impormasyon ay totoo.

Nauna nang sinabi ni CIA spokesman ­Ryan Tripani na sinisira ng WikiLeaks ang kredibi­lidad ng mga intelligence community na protekta­han ang Amerika.

Magugunitang ­inilabas ng ­WikiLeaks ang mahigit sa 8,000 ­pahinang dokumento na sinasabing classified files mula sa CIA na naglalaman ng mga lihim ng nasabing ahensya sa pamamagitan ng pag-hack sa mga cellphone at compu­ters ng mga users at kinukuha ang mga impormasyon na laman nito.

“The American ­public should be deeply troubled by any WikiLeaks disclosure designed to ­damage the intelligence community’s ability to protect America against terrorists and other adversaries,” sabi ni Tripani.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More