Una sa Balita

Wikang Filipino tungo sa pag-asenso

0 537

MR. TRABAHO

Itinalaga po ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika alinsunod sa Proklamasyon 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Kasabay po ng pagdiriwang ang paggunita sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Pangulong Ma­nuel L. Quezon tuwing ika-19 ng Agosto.

Taong 1935 nang magkaroon ng pormal na mga hakbang para maitaguyod ang isang wikang panlahat at pagbuklurin ang ating bansang binubuo ng libo-libong mga isla at gumagamit ng iba’t ibang mga wika.

Dahil sa moder­nisasyon ng wikang Filipino bunsod na rin ng pagpapatupad ng Saligang Batas ng 1987, higit pong na­ging bukas ang wikang Filipino sa panghihiram sa mga wikang banyaga at katutubo.

Sa pagpapatupad ng K-12 Law, binigyang-diin po ang paggamit ng ‘mother tongue’ bilang wikang panturo at hiwalay na asignatura mula kindergarten hanggang grade 3.

Bukod sa mas nakakatulong sa komprehensyon o pang-unawa ang multilingual approach, napapatingkad din po nito ang papel ng katutubong wika sa kaunlaran at mas nagiging ‘inclusive’ ang ating mga paaralan.

Related Posts

Kaya’t inaasahan po nating mas matutulungan ng patakarang multilingual sa edukasyon ang ating kabataan na maging mapanuri, malikhain at produktibo.

Kung matibay po ang pundasyon ng edukasyon ng mga batang Pilipino dahil sa mas naipapahayag nila ang kanilang sarili gamit ang wikang kinalakhan o natutunan sa bahay, magkakaroon po tayo ng mga mamamayang may kumpidensya sa sarili at handa sa iba’t ibang klase ng trabaho.

Kailangang-kaila­ngan po natin ngayon ng mga manggagawang nagtataglay ng ganitong kakayahan para makasabay sila sa mabilis na pagbabago ng mga rikwayrment sa trabaho bunsod ng globalisasyon at pag-unlad ng teknolohiya.

Kinikilala po natin ang mga programa at patuloy na pagsisikap ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF upang patuloy na pa­yabungin ang humigi’t kumulang 130 katutubong wika sa Pilipinas at magamit ang mga ito sa mas mataas na antas lalo na sa lara­ngan ng pananaliksik.

Patuloy po nating tangkilikin ang wikang Filipino gayundin ang mga wikang katutubo sa Pilipinas upang makabuo tayo ng isang bansang mayaman sa wika, nagkakaunawaan at asensado.

Job Fair Schedule:
PESO Taguig Job Fair—City Hall Auditorium, Taguig City—August 19
70th Araw ng Cagangohan Panabo Job Fair—Brgy. Cagangohan Gym, Panabo City—August 20

Mandaue Chamber of Commerce and Industry Job Fair—Oakridge Business Park, Banilad, Mandaue City—August 21
(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy