Una sa Balita

Wikang Filipino kurso na sa Berlin university

0 709

SA kauna-unahang pagkakataon ay ituturo ang Filipino language course sa pinakamalaking unibersidad sa Berlin,Germany.

Ito ang inihayag ng Philippine Embassy sa Berlin kung saan iaalok ang Filipino language course sa Humboldt University.

Inilunsad ang naturang kurso noong unang linggo ng Nobyembre ng Advancing Philippine Studies Program.

“Filipino language will be offered as a full module­ for the first time at the institute,” ayon sa organizers ng Advancing Philippine Studies Program sa HU.

Nabatid na inilunsad ng Advancing Philippine Studies Program noong Hulyo 2019 ang kurso para mai-promote ang mga academic program, project at aktibidad na mag-uugnay sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas at mamamayan nito.

Ang naturang proyekto ay konsepto at isinaayos­ ng Filipina sociocultural anthropologist­ and assistant professor sa Department for Southeast Asian Studies, Rosa Cordillera Castillo at ituturo ni Filipino language instructor Antonio Galang Jr., mula sa University of the Philippines. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy