Una sa Balita

Wika at panitikan ipaglaban

0 249

Dear Abante,
Sumulat po ako sa inyo upang iparating ang aking saloobin sa lumabas na desisyon ng Korte Suprema hinggil sa CHED Memo No. 20 s. 2013 na nagtatanggal sa asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo.

Kinatigan ng Korte Suprema ang nasabing memo na ikinalungkot ng marami lalo na ng mga tagapagsulong ng makabayan at makamasang edukasyon.

Nakadidismaya lamang na sa sarili nating bansa at sa sarili nating mga pamantasan ay nawawalan na ng puwang ang sarili nating wika.

Naglalatag ng mga asignaturang gagawin ‘di umano ang mga mag-aaral na globally competitive ngunit sa katunayan ito ay nagtutulak lamang sa atin upang maging globally enslave.

Imbes na lalong paigtingin ang makabayang edukasyon ay lalo itong pinapatay ng mga ganitong klase ng polisiya.

Magising nawa ang mga kinauukulan. Mapagtanto nawa ng mga ito ang tunay na magsusulong ng makabayang kaunlaran para sa ating bayan. Tuloy ang laban.

Patuloy nating ipaglalaban ang wika at panitikan upang mapanatili ito sa kolehiyo at makapaghubog ng tunay na makabayan at makasamang kabataan.

Maraming salamat po.
Alma Rio ng Maynila

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy